- Joined
- Sep 19, 2016
- Posts
- 3,579
- Reaction
- 7,229
- Points
- 2,575
“Tatlong taon pa lang ako nang mamatay ang tatay ko. Kung minsan, naiinggit ako sa ibang batang lalaki na may tatay na nagpapalaki sa kanila. Parang mas may kumpiyansa sila kaysa sa ’kin.”—Alex.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
GANIYAN din ba ang nadarama mo? Nag-aalala ka ba na baka hindi mo matutuhan kung paano maging isang tunay na lalaki? Kung oo, huwag masiraan ng loob!“Hindi kami close ng tatay ko. Kinailangan kong matutuhang mag-isa kung paano maging tunay na lalaki.”—Jonathan.
Tingnan kung paano mo mapagtatagumpayan ang dalawang karaniwang hamon.
HAMON 1: Maling pananaw ng marami tungkol sa pagiging tunay na lalaki
Ang sinasabi ng iba:- Matigas ang loob ng mga tunay na lalaki; hindi sila umiiyak.
- Ang mga tunay na lalaki ay hindi pumapayag na sabihan sila ng kanilang gagawin.
- Ang mga lalaki ay nakahihigit sa mga babae.
Subukan ito: Isulat sa isang papel ang sagot mo sa sumusunod na mga tanong:
- Anu-anong ugali ng bata ang naalis ko na?
- Ano pa ang puwede kong gawin para sumulong?
“Hanga ako sa kaibigan kong si Ken. Isa siyang tunay na lalaki—malakas ang katawan, kontrolado ang emosyon, at mahusay ang espirituwalidad—at mabait din. Dahil sa halimbawa niya, natutuhan kong hindi pinipintasan ng isang tunay na lalaki ang ibang tao para lang iangat ang sarili niya.”—Jonathan.
HAMON 2: Walang positibong impluwensiya ng isang ama
Ang sinasabi ng iba:- Kung lumaki kang walang ama, hindi mo matututuhan kung paano maging isang tunay na lalaki.
- Kung hindi mabuting halimbawa ang tatay mo, tiyak na matutulad ka rin sa kaniya.
Totoo, mahirap lumaki nang walang nagmamalasakit na ama—o nang walang ama. “Napakalaking kawalan kung hindi mo nakilala ang tatay mo,” ang sabi ni Alex, na sinipi sa pasimula. “Ako’y 25 anyos na, pero pakiramdam ko’y ngayon ko pa lang natututuhan ang mga dapat sana’y natutuhan ko noong tin-edyer ako.” Kung nadarama mo ang nadarama ni Alex, ano ang puwede mong gawin?
Subukan ito: Humanap ng mentor—isang mabuting halimbawa ng isang tunay na lalaki.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Tanungin siya kung anong mga katangian ang mahalagang makita sa isang tunay na lalaki. Saka mo siya tanungin kung paano mo madedebelop ang mga katangiang iyon.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Iminumungkahing basahin: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Pansinin ang makaamang payo na makatutulong sa isang bata para lumaki siyang marunong at makadiyos.
Marami pang impormasyon para sa mga tin-edyer ang makikita sa Web site na You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.“Natutuwa ako sa nagiging personalidad ko. Bagaman sana’y natulungan ako ng tatay ko, maganda pa rin ang pananaw ko sa kinabukasan. Sigurado akong hindi ako mabibigo.”—Jonathan.
Pagkatapos ng isyu ng Disyembre 2012 ng Gumising!, ang mga artikulo ng “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong” ay mababasa na lang sa Web site na You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Binago ang ilang pangalan sa artikulong ito.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Tingnan ang kahong You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Puwedeng maging mahusay na mentor ang mga elder sa kongregasyong Kristiyano.
Ian—Ang pagiging tunay na lalaki ay hindi lang nangangahulugan na kilos-lalaki ka; kailangan din na handa kang magtrabaho nang husto, kontrolado mo ang iyong emosyon, at responsable ka sa mga ginagawa mo.
KAIBAHAN NG BATA SA TUNAY NA LALAKI
Ang bata ay maaaring . . .- walang-galang.
- makasarili.
- mahilig sa paglilibang.
- emosyonal.
- magalang.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
- mapagsakripisyo.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
- responsable.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
- marunong magkontrol ng emosyon.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
TANUNGIN ANG MGA MAGULANG MO
Ano po sa palagay ninyo ang mga katangian ng isang tunay na lalaki? Sa tingin ba ninyo ay sumusulong ako sa bagay na ito?MENSAHE SA MGA MAGULANG
MGA AMA—
Ang pananaw ng iyong anak hinggil sa pagiging tunay na lalaki ay nakadepende nang malaki sa halimbawang ipinakikita mo. Kung nirerespeto mo ang iyong asawa, tinuturuan mo ang iyong anak na respetuhin ang mga babae. Kung nagtatrabaho ka nang husto para paglaanan ang iyong pamilya—kahit ang trabaho mo ay ordinaryo lang o nakakapagod—tinuturuan mo ang iyong anak na maging masipag at responsable.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..Baka hindi gaanong maganda ang relasyon mo sa iyong ama, posibleng dahil hindi rin maganda ang relasyon niya sa kaniyang ama. Pero tandaan: May pagkakataon kang baguhin ang relasyon mo sa iyong anak. Huwag sayangin ang pagkakataong iyan! Piliin mong maging malapít sa iyong anak.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Magpakita ng mabuting halimbawa sa kaniya, at malamang na siya’y magiging isang tunay na lalaki—isang tao na ipagmamalaki mong tawaging iyong anak.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
MGA INA—
Paano mo matutulungan ang iyong anak na lumaking isang tunay na lalaki? Iwasang ikumpara siya sa kaniyang ama sa negatibong paraan. Halimbawa, kapag may nagawa siyang mali, baka bigla mo siyang masigawan: “Itigil mo nga ’yan! Parehung-pareho kayo ng tatay mo!” Tama lang naman na sabihan mo ang iyong anak kapag nagkamali siya. Pero tandaan: Kung mahihiwatigan sa sinasabi o ginagawa mo na parati na lang mali ang tatay niya, hindi mo namamalayang hinahadlangan mo na pala siya na maging isang tunay na lalaki.Suportahan ang mga ginagawa ng asawa mo para sa inyong anak na lalaki. Pasiglahin silang gumugol ng panahon nang magkasama at laging purihin ang magagandang katangian ng iyong asawa at ang mabubuting ginagawa niya. Nagtatrabaho ba siya nang husto para paglaanan ang pamilya? Gumugugol ba siya ng panahon kasama ang kaniyang mga anak? Nirerespeto ba niya ang iba? Ipaalam sa iyong anak na pinahahalagahan mo iyon. Tutulong ito sa iyong anak na matuto mula sa mabuting halimbawa ng kaniyang ama.