yup. Antayin mo lang. Kapag di mo na-receive within sa days na sinabi nila, pwede kang mag-report sa gcash, tapos kung katulad sila ng Maya, then may request form na kailangan ma-fill-up at ma-email sa gcash kasama yung mga evidence ng refund (cancelled purchase screenshot, etc), tapos sila ang magre-request ng refund. Yun ay kung katulad sila ng Maya. Di pa ko naka-refund sa gcash eh. Pero sa Maya, kapag umabot na sa ganitong paraan, mas matagal na yung aabutin. Nasa 45-200 days sa maya yung process eh. Parang bank request na kasi sya.