- Joined
- Apr 6, 2017
- Posts
- 937
- Solutions
- 119
- Reaction
- 413
- Points
- 497
- Age
- 20
Salubong
Nauunang mag lakad ang aking kanang paaSa direksiyon kung saan ka maaaring magpunta
Tila gustong gusto nitong sinasalubong ka niya
Minsan sa hagdanan, kapag ramdam niyang gustong mauna ng kaliwa
Uunahan niya ito sa takot na baka ikaw ay kaniyang mabangga
Sa korehidor o pasilyo, ayaw nitong nakaharang sa lalakaran mo
Kaya't kusa itong bababa resulta ng pagkakaroon ng putik ng mga sapatos nito
Pagka't basa ang sahig na tinatapakan
At maputik duon sa nilalakaran
Ang sapatos na bagong bili ay maagang nadungisan
Pero okay lang
Nakapaglakad ka naman ng walang nakaharang
Patungo sa paborito mong lugar-pahingahan
Sa braso niya...
Sa yakap niya...
Sa kaniya...
Kaya't heto ako, patuloy sa paglakad
Palaging una ang kanan
Huli ang kaliwa
Gusto man netong umatras para silipin kayong dalawa
Hindi na...
Alam na ng kaliwa kong paa
Siya ang laging nakakakita kung gaano ka kasayang sinasalubong mo siya
Siyang lagi kang sabik na mahagkan
Siyang palaging huling humahakbang sa hagdan
Siyang gusto kang salubungin ng minsan
Na kahit kailan hindi mo tinignan.
-Plumapel