renegade24winzam
Eternal Poster
- Joined
- Mar 14, 2013
- Posts
- 940
- Reaction
- 367
- Points
- 317
Araw may lumubog at lumipas na
Kahit panahon ay lumuma`t kumupas pa
Ang mundo ma`y gumuho at mawalang bigla
Tanging hangad pa din ay ala-ala mong ipinadama
Pagmamahal mong handog na tunay at makulay
Lagi ko itong iingatan hangga`t akoy nabubuhay
Wala ka man sa tabi ko, pag-ibig mo`y nadarama ko
Nasaan ka man mahal, sayo lang laan puso`t, isipan ko
Salamat sa mga araw na nakasama kitang masaya
Dahil sayo ko lang nakita, pagmamahal na sa iba ay wala
Sana kahit malayo at wala man sa piling mo
Tanging Ikaw lang ang minahal at iningatan ko ng ganito
Mahal sana maalala mong ako`y sayo lang
Umaasang sa pag-ibig nati`y wala ng humadlang
Panalangin ko`y makasama na kita habangbuhay
Sapagkat ikaw lang ang mamahalin ko ng tapat at tunay.
Originally Created by: Renegade24winzam 12-11-13

Last edited: