Masaya akong nakasama kita,
Masaya ka na ngayon, sa piling ng iba.
Masaya dahil ngiti mo'y parang bituin,
Nagniningning ngunit di dahil sa akin.
Masaya akong masaya ka na,
Masaya ka nang kayakap ang iba,
Masaya kahit di ka akin,
Ngumingiti kahit wala ka na sa akin.
Masakit pero ito'y titila din,
Pero sa ngayon ay magkukunwaring masaya pa rin.
Masaya ka na ngayon, sa piling ng iba.
Masaya dahil ngiti mo'y parang bituin,
Nagniningning ngunit di dahil sa akin.
Masaya akong masaya ka na,
Masaya ka nang kayakap ang iba,
Masaya kahit di ka akin,
Ngumingiti kahit wala ka na sa akin.
Masakit pero ito'y titila din,
Pero sa ngayon ay magkukunwaring masaya pa rin.