- Joined
- Dec 2, 2016
- Posts
- 962
- Reaction
- 507
- Points
- 314
Kahalagahan ng intelligence at confidential funds, ipinaliwanag ng ilang gobernador
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
GINAGAWANG isyu ng Makabayan Bloc ang confidential funds ng Davao City noong si You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ang mayor ng siyudad.
Batay kasi sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., mula 2016 hanggang 2022, pumatak sa higit P2-B ang confidential funds ng siyudad.
Ngunit para kay South Cotabato Gov. Jun Tamayo, walang kaso sa report ng COA.
Dahil normal lamang sa Local Chief Executives gaya ng mga mayor at governor na magkaroon ng confidential funds.
Pero, paano nga ba ito ginagamit ng mga gobernador?
Diin ni Tamayo, ginagamit ang confidential funds para maagapan ang paghahasik ng lagim ng mga kalaban ng pamahalaan.“Meron kaming mga tao doon na sini-suwelduhan para magbigay ng feedback sa atin. Meron din tayong sinu-suwelduhan para doon sa ibang lawless elements, meron din tayong binibigyan na nasa mga community, nasa sa mga restaurants, nasa mga karinderya, nasa mga terminal, transport terminal, lahat ‘yan na-deploy lahat ng tao natin na hindi dapat malaman dahil ito naman sila ang nagbibigay sa atin ng mga intel report,” ayon kay Gov. Reynaldo Tamayo Jr., Province of South Cotabato.
Pinapayagan ng batas ang paggamit sa confidential at intelligence funds sa pagbili ng impormasyong kailangan sa national security.
Para sa mga operasyong magbubunyag o magpapatigil sa mga ilegal na aktibidad na maaaring magdulot ng pinsala sa mga pasilidad at pagmamay-ari ng gobyerno.
Pagbayad ng pabuya sa mga informer.
Pambayad ng upa ng mga sasakyang gagamitin sa confidential operations.
At pambayad ng upa at pagpapanatili ng kalagayan ng mga safehouse.
Binigyang-diin naman ni Tamayo na maraming mga banta ng kaguluhan ang hindi na lumalabas sa mga balita dahil naagapan ito gamit ang intelligence gathering.“Ang military at police may sariling intelligence community ‘yan. Pero mayroong intelligence community rin ang mga local chief executive kasi ‘yung mga military at pulis, papasok yan sila diyan aalis di man talaga sila diyan. Kami na mga local chief executives talagang babad kami diyan. At ‘yung mga tao mismo sa ground ay alam namin, kilala namin. Kaya’t mabilis sa amin maka-set up ng separate intelligence group na kung saan maka-counter ‘yung other intelligence group ng ating mga military at PNP,” dagdag ni Tamayo.
At paano ito trinabaho?
Sa pagpapalawak ng intel scope gamit ang confidential funds.
Para naman kay Davao del Norte Gov. Edwin Jubajib, napakalaking bagay sa kanilang probinsiya ang confidential funds.“Maraming insidente na posibleng magkaroon ng bombing pero nai-iintercept namin na hindi na alam ng tao dahil hindi na pumutok. Kasi pag pumutok ‘yung bomba na ‘yan at maraming namatay, tatanungin ano ba ang ginawa ni Governor? Bakit hindi na-intercept? Ano ba ‘yung ginawa ng military? Ano ba ang ginawa ng pulis?” ayon pa kay Tamayo.
Lalo na sa pagpuksa nila sa New People’s Army (NPA).
Sa mga nakalipas na panahon, pugad ng mga teroristang NPA ang Davao del Norte pero ngayon ay wala na ang mga ito.“Yes po dahil kung wala tayong budget diyan sa confidential ay hindi talaga natin kaya matapos ‘yung problema. Hindi natin kaya mabigyan ng counter-program ang programa ng CPP-NPA kasi lahat po ay nangangailangan talaga ng budget. At ‘yung budget naman para sa counter-insurgency at sa drugs ay maraming mga budget na nire-request ang ating kasundaluhan at kapulisan at other men in uniform sa department na hindi kasama doon sa ating annual budget,” ayon kay Gov. Edwin Jubajib, Province of Davao del Norte.
Sa panahon naman noon ni VP Sara bilang Davao City Mayor nang ideklarang insurgency free ang buong Davao Region.