- Joined
- Jul 14, 2023
- Posts
- 361
- Reaction
- 76
- Points
- 143
- Age
- 23
Hello mga ka PHC magandang gabi sainyo. Gusto ko lang humingi ng tulong baka may nakaka alam sainyo kung ano yung pwedeng ipang gamot o panglunas sa askal na alaga ko na si Lilay. Kaninang umaga lang nanghihina siya at wala siyang ganang kumain ,isa kasi siyang aso na parang hindi nabubusog kain lang ng kain at aktibo rin siya pagdating sa paglalaro. Mahilig din siyang tumahol lalo na basta may ibang tao. Pero kaninang tanghali lang nagbago lahat, nanghina at nawalan siya ng gana. Yung tipong ramdam mo talaga para may sakit siya sa mga mata niya palang at syempre bilang alaga ramdam ko talaga. Hindi siya kumain kanina ,pina inom ko ng Dextrose powder kanina para di siya ma dehydrate. Tapos nag tanong tanong ako dito samin kung ano yung dapat at mura lang na pang gamot sa kanya sabi nila SMP 500g daw kaya sinubukan ko ,pinilit ko siya pa inumin gumamit ako ng syringe. Pero wala namang nagbago palagi lang siyang natutulog at tila walang gana sa lahat. Sana matulungan niyo po ako habang maaga pa, pang 5 puppy na namin si Lilay yung mga una namatay at ganon rin yung mga simtomas nila. Patulong po mga ka PHC parang awa nyo na
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.