What's new

Another Propaganda By Yours Truly.

galing din ako sa mahirap na pamilya pero hindi naging hadlang sakin yang kahirapan para iahon ko ang sarili ko at pamilya ko sa pagkakasadlak sa hirap.
oh really? paki kwento na yan at ng matingnan natin if hindi lang puro narrative yan kasi ako kaya ko din mag narrate ng ganyan
 
sorry kung sa palagay mo out of touch ako sa reality sa pagsasabi ng realidad. galing din ako sa mahirap na pamilya pero hindi naging hadlang sakin yang kahirapan para iahon ko ang sarili ko at pamilya ko sa pagkakasadlak sa hirap. ang problema kasi ng kahirapan is nasa isipan lng ng isang tao. ikinukulong nila ang sarili nila sa mindset ng pagiging mahirap. instead gumawa ng paraan para sa ikauunlad nila, naghihintay ng grasya galing sa iba gaya ng gobyerno. 4ps, ayuda, etc.. tapos sadlak n nga sa kahirapan, nagbibisyo at nagsusugal pa. siguro ikaw ang out of touch sa realidad kaya hindi mo nakikita sa mga squater's area yang mga ganyan. mga kabataan sa squater walang pambili ng pagkain pero pambili ng disposable v@pe meron. daig pa ng mga nsa squater ang mga mayayaman na isa o dalawa lng ang anak.. sa mga squater pinaka mababa na ang apat na anak. education? maari mong makuha yan kahit nuknukan ka pa ng hirap dahil may libreng eskwelahan para sayo. ako mismo graduate ng elementary hanggang college na public school lng ang pinasukan. simulang nang highschool ako paaral ko na ang sarili ko. di baleng wlang baon basta makapasok lng s school. itinatak ko sa utak ko na balang araw makakatapos at makaka raos din ako sa hirap. college? halos lahat ng fastfood napag trabahuan ko makakuha lng ng pang gastos sa skwela. mahirap ang sitwasyon ng isang working student pero nakayanan kong magtapos ng college. discrimination pag dating sa trabaho kung saan ka nag tapos? oo meron nyan at naranasan ko yan. kaya tapos na ko s college, nag aral pa ulit ako sa magandang school dahil kahit papano kaya ko nang sustentuhan ang sarili ko. kung napapaisip ka kung anong trabaho ko sa ngayun, eto.. building administrator ako ng 3 building sa ayala makati. hindi nakakaawa ang mga ganyang klaseng mga mahihirap na ayaw gumawa ng paraan para sa sarili nila. sa totoo lng, kahit bigyan mo ng tig iisang milyon yang mga yan, hindi pa din makakaahon sa hirap yan at walang 2 weeks ubos ang pera nyan dahil sa bisyo at kapricho sa katawan. yan ang realidad na hindi mo nakikita o pinagbubulag bulagan mo.
isang halimbawa ng taong edukado pero walang pinag aralan
 

Similar threads

Users search this thread by keywords

  1. Yuzu
Back
Top