Big Factor is yung UniTeam nila ni Sara Duterte dahil malakas ang apelyidong Duterte. Second, magaling ang pr team ng dalawa, nagawang positive ang mga negative backgrounds ni BBM sa pamamagitan ng pagpapaliwanag at pagpapaintindi sa mga tao na kahit ganun ang di iyon ang dahilan sa pagbabago. Third, may potential siya dahil sa bg lang ng kanyang ama na siyang humatak sa kanya. Plus na natin yung mga solid solid na yan. FOurth, nakapenetrate at nakuha talaga nila ang loob ng Class C,D, at E na siyang may pinakamadaming botante na humatak sa kanya (Ito ang weakness ng kabilang panig, nagconcentrate kasi sila sa negative campaigning sa C, D at E na kesyo **** ang bumoto sa ganyan, di nakapag-aral, magnanakaw na lalong nagbigay ng heartfelt sa kanila). FIfth, planado na talaga nila ito, sa umpisa pa lang. Siguro bago siya matalo nung 2016, todo handa talaga kaya di siya tumakbo sa kahit anong post nitong 2019. Next, malalaki ang mga backer niya dahil nakitaan siya ng potential na manalo, bale naging clout chaser na yang mga businessman na yan dahil nakadepende ang negosyo nila sa susunod na presidente. Lastly, sila ay pro-admin na talgaang hahatak dahil nakikita nila ang progress sa panahon ni Du30 na siyang si BBM lang daw ang pag-aasa na magpatuloy ang mga proyekto nang may assurance at hindi talkshit lang. Siguro ang payo ko sa mga may balak tumakbo sa 2028, pagplanuhan niyo na habang maaga pa, dahil ito ay worth the wait. Opinion: Maganda ang ginawang advertising strategy ni Isko dahil nag-stand out talaga siya sa media, ang tanging kulang lang talaga ay yung experience at yung short- tern niya na 3 years lang siya as mayor. Si PIng ay nagkulang sa makinarya at pr team na siyang umasa lang sa mga ads at publicity. Si Manny, wala talaga siyang amor maging presidente, nagsayang lang talaga siya ng pera sa panahon na ito (atleast Top 3). The rest na di masyadong sikat, kulang sa kanila ay exposure, lalo na sa media dahil di kilala ang mga pangalan nila at walang recall sa tayo (Siguro wala talaga silang budget, tanging passion lang sa pamumuno). Overall, kahit na sabihin natin na mayroong dayaang naganap, di natin mapprove agad na meron dahil napakalaki ng gap na 31M, at kung sakaling maghanap ng butas, aabutin tayo ng siyam siyam, parang nagyari din dun sa recount ni BBM na nung mismong election period lang gumagalaw. NOTE: ANG PROBLEMA NATIN AY ANG SISTEMA NG BANSA, DI ANG MGA NAMUMUNO. Kung mababago natin ito nang may specific na limitations at programs, mababawasan na yang corruption na yan. Gaya nga nung suggetion ng iba, Digitalization is the key.