Minsan ang pag ibig
talagang nakakaligalig,
para bang isang tulang walang tugma,
maisasalin mo na lang bilang isang katha,
Tulang minsa'y pinipilit,
bawa't kataga'y tunay na mapanakit,
Sa bawat maikling taludturan,
hinagpis at lungkot ay ramdam
hanggang hangganan.
Ganyan minsan ang isang katha...